From Fred Borbon:

MGA IGAN, E2 PO ANG USAPANG LASING NG ISANG KASAMAHAN NATIN NA KABABAKASYON LAMANG, GINAWA NA NAMAN ULIT TAYONG MENSAHERO .

KABILANG SIYA SA MGA IBA PANG OFW DYAN SA TABI TABI NA HINDI KAYANG PUMALAOT SA ATING MGA PALITAN NG KURO KURO AT KUNTENTO NA LAMANG SA PAGBABASA, AYOS NA DIN NAMAN IYAN, MAGALING KESA SA WALANG MIRON.

PAGBIGYAN NAMAN NATIN AT MALAY NINYO, MADAMI PANG MAHIKAYAT SIYA SA MGA KASAMAHAN NATIN DIYAN NA INAANOD NA LANG NG ISYU.

PARA DAW PO SA MGA MASISIPAG NA MGA NAGPAYAHAG NG KANILANG MGA PALA PALAGAY AT SALOOBIN .

CARLO MAGNO, SANA AY MAHULASAN KA NA SA IYONG KALASINGAN AT IPADALA MO NA DIN ANG PART 2, KASABAY NG PAGLALANTAD MO SA IYONG TUNAY NA PAGKATAO AT MASALIMUOT MONG KASAYSAYAN.

=================

From: Carlo Magno

Kwentuhan ni Pedro at Juan.

Pedro: Pareng Juan dumating ka na pala mula sa Nigeria ? Anong pasalubong mo?

Juan: Pare may alak akong imported masarap ito. Mag-inom muna tayo. Natatandaan mo ba yung paborito kong sinaing na tulingan na niluluto mo na may kamias na tuyo, yun na lang ang ipulutan natin dahil para bang naglilihi ako sa pagkain na yon. Hayaan mo at ibibili naman kita ng litsong liempo at manok dahil yan ang paborito mo.

Pedro: Pare buti ka pa ay nakakabili ka nitong alak na ito napakatapang at masarap inumin at masarap na pulutan. Ito ba paborito ni pareng Erap yung Blue L……

Juan: Yan nga yon pare!…hehehe. Wag kang maiinggit kung makabili man ako nyan dahil matagal naman kong pinag-iipunan yan para marami akong maiuwing pasalubong. Sya nga pala may pasalubong akong sabon at tsokolate para kay Mare at kay Junior mo.

Pedro: Pare kamusta na ang trabaho mo doon.

Juan: OK, naman pare.

Pedro: Ayon sa balita eh…total ban for travel na raw yung mga pabalik doon sa lugar nyo dahil magulo raw doon at may mga kidnapping na nagaganap. Totoo ba yon?

Juan: Pare totoo na may gulo doon pero di sa lugar na pinagtatrabahuhan namin kung may gulo doon ay parang nasa Manila at Mindanao ang layu namin doon sa gulo. At kung nasa hot area ka parang nasa General Santos City at Sulu ang layo mo. So safe pa rin kami doon.

Pedro: Ganun ba? Ay bakit may pinatutupad na total ban papuntang Nigeria ?

Juan: Alam mo pare, yung mga nakaupo sa gobyerno na nagpapatupad ng batas ay walang alam kung ano ang tunay na nangyayari sa lugar na pinagtatrabahuhan namin. Kaya naman ni hindi nga sila nakakatuntong sa Nigeria kaya kung mag-desisyon sila ay ganun na lang.

Pedro: Pero ayon sa balita ay talamak daw sa kidnapping doon kaya pinatupad ang total ban sa dahilang nalalagay daw sa peligro yung mga kababayan natin?

Juan: Pare kapag ikaw ay nakatuntong ng Nigeria ay maiintindihan mo ang buhay sa West Africa di lang sa Nigeria . Tulad ng kidnapping na yan…. Alam mo ba na kung sa Nigeria ka ma-kidnap ay ititira ka pa sa Hotel at bibigyan ng babae ng mga kidnapper?

Pedro: Totoo ba yon pare? Hehehe… di ako makapaniwala sayo….

Juan: Tototo yon pare…hehehe. Tanungin mo yung mga mga Bitoy na nakidnap…hehehe…..

Pedro: Ikaw talaga pare niloloko mo ako…hehehehe

Juan: Ganito yan pare, may klasipikasyon ang mga kidnappers sa kanilang mga biktima. Depende yan sa Grade mo…. Grade A, B, C, at D. Kapag Grade A ka ikaw ay maaaring Bitoy, Kano or Frances or empleyado ng mga oil giants sa Nigeria kaya ang accommodation mo ay Hotel, may masarap na pagkain at baka bigyan ka pa ng tagamasahe ng likod mo habang hinihintay mo na tubusin ka ng kumpanya mo.

Pedro: Ano naman yung Grade B….?

Juan: Yan naman ang mga empleyado ng mga international company na maganda ang bayad sa mga kidnappers kung baga pumapangalawa sa magandang magbayad na Grade A.

Pedro: Eh, ano naman ang Grade C at D kidnap Victims?

Juan: Yan pare ang matindi….hehehe

Pedro: Bakit pare? Ano ang ibig mong sabihin?

Juan: Yan yung mga third country nationals tulad natin, pana, Indonesians, Pakistan at thailander…at mga kuripot na kumpanya ng mga koreano, italiano at frances . Yan yung mga kuripot magbayad… kaya hindi masyadong tinatarget yan ng mga kidnappers…. Dahil kakaunti ang kinikita nila… kapag minamalas malas ka ay baka pagboksingin pa kayong mga victims kung matagal kayong tubusin….hehehe

Pedro: Anong ibig mong sabihin na pag-boksingin? Mukhang ngayon ko lang maririnig yan ah… at wala sa dyaryo yan ah…hehehe

Juan: Yan yung sinasabi ng mga OFW na taga Nigeria …hehehe… kinakailangan ay dala mo ang dibdib mo at itlog mong panlaban sa pitpitan…hehehe…kasing tapang daw ni Gerry at hindi katulad ni Mar….hehehe

Pedro: Ikaw talaga pare…binibitin mo ako sa istorya mo…hahaha. Ano ba yong boksing.

Juan: Yan pare, halimbawa kung sakaling apat ang kidnap victims, yung dalawa doon ay magboboksing… yung dalawa naman ay parang corner man yon…. Kapag tumama ng suntok yung isa sa kalaban nya may equivalent na sampiga sa mukha naman yung corner man nung boksingerong tinamaan ng suntok.. alam mo ba kung sino ang sumasampiga?

Pedro: Sino?

Juan: Eh di yung kidnapper?

Pedro: Pare, totoo ba yon? Mukhang ginugoodtime mo lang ako?hehehe… baka naman gawa-gawa mo lang yung istorya mo? Hehehe

Juan: Ikaw talaga pare? Kaya nga dapat kapag pumunta ka sa Nigeria ay dala mo ang bayag mo…hehehe

Pedro: Talagang hindi ako makapaniwala sa kwento mo….

Juan: Talagang ganyan pare… hindi mo nga ako paniniwalaan dahil sila ngang mga nagpapatupad ng ban ay hindi maniwala sa amin na safe kami sa lugar na pinagtatrabahuhan namin sa Nigeria …. Ikaw pa kaya….hehehe siguro kung makakarating ka sa lugar na pinagtatrabahuhan namin ay malalaman mo na hindi lahat ng lugar sa Nigeria ay magulo. Maiintindihan mo sana na kung bakit nagagalit ang mga OFW na kasamahan namin doon.

Pedro: Pare tignan mo naman dalawangput apat yung nakidnap na seaman at yung isang huli ay taga-land base pa… eh kung ako ang nasa gobyerno ay baka ganyan din ang gawin ko….ipatupad ang ban to travel to Nigeria .

Juan: Ganito yan pare…dito sa Pilipinas kapag nakidnap at nagbayad na ang pamilya mo ay malamang ay baka patayin ka pa…. itanong mo sa mga intsik na kakilala mo kung hindi totoo ang sinasabi ko….sa Nigeria kapag nakidnap ay siguradong pakakawalan ka kapag nagbayad ang kumpanya mo…yung dalawangput apat na nakidnap na seaman ay European base company yan at mga walang security escort yan na katulad ng sa amin ditto sa land base kaya masyadong nasensationalise yan…pero nasaan ba sila? Di ba’t nakauwi na…. kung sa Pilipinas nakidnap yan eh baka pinugutan pa ng ulo yang mga mahal nating mga kasama sa hanapbuhay…katulad sa Sulu… Mabuti na lang at hindi rin nagpapalabas ng ban to travel ang Nigerian government sa Pilipinas….hehehe…. Bakit nga ba?hehehe alam mo ba kung bakit? Wala tayong oil fields na katulad nila at wala pa silang mga engineers at techinician na katulad ng mga pinoy na ipapadala sa pinas… nakakatawa nga eh…hehehe… pilipinas lang ang nag-issue ng ban to travel to Nigeria…hehehe… mga bugok pala…hehehe… akala ko’y pagkatapos ng edsa ay mga agila na uupo dyan sa Mala…..gobyerno natin….hik..hik… lasing na ata ako pare…mga langaw pala….hehehe… siyanga pala yung huling nakidnap ay gusto nang bumalik non…sayang baka 3k hanggang 30k per day ang nawawala sa kanya….hik…hik..

Pedro: Ganun ba?????

Juan: Alam mo pare…hik…hik.. lasing na ata ako ha…hehehe…Sa Nigeria….kahit moral support lang ang manggaling sa embahada ay ok na at siguradong makakalaya ng buhay ang biktima… dito sa atin kapag biktima ka ay baka maubos ang pera ng pamilya mo at baka patay ka pa. Sa Nigeria kumpanya ang nagbabayad… ditto sa atin pamilya natin ang nagbabayad…hik…. So sino ang mas kawawa… yung mga nakidnap sa Pilipinas o yung mga nakidnap sa Nigeria ….hehehe..hik

Pedro: Anong tulong naman ang nakukuha nyo sa embahada sa Nigeria ….hik .? Mukhang lasing na rin ata ako pare…hehehe hik..

Juan: Pare…lasing na ako….hehehe… Moral support lang pare…moral support lang….hehehe…. Wala namang pondo yan sila eh..heheh hik….. yung pondo… eh pina-aapruban pa sa Pilipinas kaya matagal pa bago dumating…hehehe…hik…tulad ng pambili ng tiket sa para…hik..hik..hik …sa repatriation…hik

Pedro: Pare lasing na rin ako…hehehe….hik…hik…marami pa akong…itatanong sayo kaso gusto ko nang matulog…hehehe…

Juan: OK….hik..hik.. bukas na lang ulit tayo mag-inom..hahaha…hik… tamang-tama si pareng Erap ay nadyan na…hehehe..hik…hik… akitin nating mag-inom…hik…hik….sa susunod …may Blue L….. pa ako….pag-ubos na ito ay inom naman tayo ng lambanog..hehehe…masarap talaga itong tulingan…..hehehe..hik..hik…

Juan at Pedro: Ibong mang may layang lumipad♪♫♪ kulungin mo at umiiyak…♪♫♪ hik…hik…

Advertisements