http://globalnation.inquirer.net/mailbag/mailbag/view_article.php?article_id=96691

A Brewing OFW Revolt over Peso Value

INQUIRER.net

Posted date: October 25, 2007

Cyberspace is hosting a revolt among OFWs stung by Inquirer business columnist Cielito Habito’s column, “Why the peso keeps rising,” last Oct 7. Here is their ensuing call to hold remittances to the Philippines, in the “artificial rise of the peso”- a new exercise of political muscle with a far horizon. The first letter is from a member of the Pinoy artists’ website, Banggaan, who is linked to the OFW tribe. What follows is a record of spontaneous combustion in a two-week span across the distances. – EditorOct.23, 2007

I received this email from OFW friends – some of them worked with me here in Sydney as contract for one year. Meron silang protesta na pinapaabot sa atin. Scan the email thread below for your information.

Clem

Oct. 08, 2007
Subject: Why Peso keeps rising

Team,

The author clearly explained the real reason of the peso keeps rising and why he refused to use the term ‘stronger peso’ or ‘stronger economy.’ This means that in case we receive nothing about our petition, there is only one solution to the problem – cut remittance or no remittance – to neutralize the excess or oversupply of dollars.

Oct. 11, 2007

It’s your choice:

1. Open a bank account in your workplace if not yet done and remit only YOUR FAMILY’S MONTHLY REQUIREMENT. Huwag magpadala ng sobra. You can always send some more in case of emergency.

2. Sa mga uuwi ngayon Pasko, huwag magpadala ng dolyar sa unang buwan ng pagbalik sa abroad, kung kakayanin, at ibigay sa pamilya para may pondo.

Basta palaging isigurado na mayroong nakalaan sa pamilya.
Subukan nating mapababa ang pumapasok na dolyar sa bansa sa panahon ito upang mabigyang pansin at magawan na paraan ng mga nakapwesto na hindi naman yata tama na ang dolyar ay kinita natin sa 46 pagkatapos papalitan lang sa atin ng 45….

Idugtong sa e-mail na ito at ipakalat sa buong mundo kung sang-ayon o kaya mayroon pa kayong mga ideya.

3. Doon po sa mga may dollar deposits, suhestiyon lang na pansamantalang-pullout, nang sa ganoon kahit paano ay maramdaman sa banking system ang kakulangan sa pondo ng dolyar.

Salamat po.
Juan/John Charles

***

Mahal na mga kabayan,

Gawin natin itong isang sakripisyo para na rin sa ating kapakanan. Sabay-sabay po tayong di magpapadala sa Nov. 1 at Nov. 2.

Puede rin po kayong gumamit ng “reliable” door to door na serbisyo upang mabawasan ang dating ng dollar sa ating mga bangko sa Pinas at sa Central Bank. Marami raw ang dollars sa atin at sobra-sobra, kaya ang baba ng palit gawa ng improving economy sa ating bansa.

Bakit po kaya pataas lahat ng bilihin, at di naman bumababa ang pamasahe, basic commodities, etc?

Kanino bang buhay ang nag-iimprove? Buhay nilang nasa Senado, Congreso, Malacañang, Customs, Immigration? O kawawang buhay ng OFWs?

Kung meron po kayong suggestion, ibahagi po ninyo sa ating lahat para ating pakinabangan.

Kung totoong tumataas ang antas ng ating pamumuhay, bakit ang dami pang magnanakaw, snatchers, rapist, holdapers?

Marami tayong tanong kung bakit. Bakit ang mga community hospitals ay kawawa ang mga kalagayan at facilities ay wala?

Bakit ang bagong NAIA, mabubulok na lang di pa nating magamit?

Salamat po.

Dick Orense
Abu Dhabi

***

Count me in. Hindi ako magpapadala during these dates…will post a print out sa tourist club area sa mga katabing building namin. Sa mga kabayan natin…

Mark Bacus

Dapat silang maparalisa.

Paano naman tayong naghihirap para sa mga pamilya natin sa ating bansa? Kung tutuusin, mas lalo pa tayong hirap Ngayon sa panahong sinasabi nilang “Pagtaas ng Peso.”

Irene G. Serrano
Dubai, U.A.E.

***

Dear Kabayans,

Buti na lang nasabihan nyo ako naka schedule pa naman ako magpadala at sa banko babagsak ang padala ko. Kaya ngayon hold ko muna padala ko.

Mga wala silang kuwenta, puro pahirap lang sa Pilipino ang ginagawa nila. Migrate na lang ako sa buwan.

Victoria Joquico

Oct.16, 2007

Hi All,

Let us all heed this call. It’s about time for us OFWs to move and do something to be heard. Mahirap kung puro lang tayo reklamo at hindi tayo kikilos.

Kumilos tayo…NGAYON NA!

Wag tayong magpadala sa mga Exchange centers tulad ng Al Ansari, UAE Exchange, Thomas Cook, etc. Magpadala tayo sa mga kilalang Door to Door companies tulad ng Sky Freight at GP Express.

Ipadama natin sa gubyerno ang ating pagkadismaya sa
“ARTIFICIAL NA PAGLAKAS NG PESO.”

Kung tunay na lumalakas ang peso, bakit patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas?

Kung tunay na lumalakas ang peso, bakit wala pa rin itong PURCHASING POWER para kay Juan Dela Cruz?

Ipakalat po natin ang panawagang ito at ating tugunan hanggang sa ang ating tinig ay mapakinggan!

HUWAG MAGPADALA NG PERA SA NOVEMBER 1 & 2!

Para sa OFWs,
Reg Cucal

Forwarded by Edd Aragon in Sydney

Advertisements