Mga Kasama,

Maghintay po tayo kung ano ang tungon ng ating mga magagaling at mga pinagpipitagang lingkod ng bayan sa plataformang inilalatag ng ating kabayan. Sana may isang mag lakas loob sa kanila na sagutin ang mga bagay na nabanggit.

—–Original Message—–
From: Ofw Pinoy [mailto:pbb_ofw@yahoo.com]
Sent: 17 October 2007 12:20
To: mar@marroxas.com; edgardo_angara@hotmail.com; benigno_aquino_iii@yahoo.com; office_sen_jokerarroyo@yahoo.com; pongbiazon@yahoo.com; alancayetano@yahoo.com; pia@senatorpiacayetano.com; miriam@miriam.com.ph; senmds@yahoo.com; senator_enrile@senate.gov.ph; sen.escudero@gmail.com; senjinggoyestrada@senate.gov.ph; rjgordon@senate.gov.ph; gringo_chq@yahoo.com; ospml@yahoo.com; sen.litolapid@senate.gov.ph; loren_b_legarda@yahoo.com; mam@senate.gov.ph; kikopangilinan@kiko.ph; aqp@senate.gov.ph; senbongrevilla@senate.gov.ph; senatortrillanes@gmail.com; mb_villar@yahoo.com; senzubiri@yahoo.com.ph
Subject: RE: Iwasan Ang Job Offers Mula Nigeria – DAW!!!

Kagalanggalang at pinagpipitagang mga Lingkod ng Bayan,

Ikinagagalak po namin ang pagtawag ninyo sa amin bilang mga MODERN DAY HEROES. Bilang mga BAGONG BAYANI nawa eh pakinggan ninyo at paglaanan ng panahon itong aming mga sinasabi

  1. Correct me if I’m wrong, Pilipinas lang ang bukod tangi at nag iisang bansa ang naglabas ng TOTAL BAN papunta dito sa Nigeria . Kung sa bawat bansa na may makikidnap ay magpapalabas kayo ng Ban sa pangunguna pa naman ni  Kabayang NOLI eh siguro marapat din na mag BAN kayo sa ibang bansa. Tama po ba? Nung nakaraang lingo ay may namatay na pinay sa Canada, o bakit di kayo mag impose ng Ban doon para maipakita sa ating mga kababayan sa Pilipinas na CONCERN kayo sa aming mga OFW. Siguro sasabihin ninyo na isolated case iyon. Eh kung sabihin din natin na ang nangyari kay G. Bacani ay isolated case din.

I doubt kung sakaling may ma rape sa Saudi ay mag impose kayo ng Ban doon. I doubt kung sakaling may namatay sa UAE ay mag impose kayo ng Ban doon.

  1. Sa bilang ng OFW sa lugar ng Niger Delta siguro eh maaaring meron na makasama na Pinoy sa makikidnap. Ratio and Proportion po, ganun kasimple. Pero bakit ang ibang mga nasyon ay di naglalabas ng total ban. May namatay po nung nakaraan na isang British National, pero bakit hindi sila naglabas ng ganyang kautusan. ILL- ADVISED.

  1. Kasabay ng pagkidnap kay G. Bacani ay nasawimpalad at namatay ang isa nyang kasamahan na Columbiano, PERO BAKIT hindi sila (Columbian Govt.) nag impose ng ban para sa mga overseas workers nila na nandito? Kayo lamang na mga administrador – Vice Pres, DOLE, POEA, NBI ang bigla biglang nagpalabas ng ganyang kautusan.

  1. Ang mga tao po dito sa embahada natin ay di man lamang hiningan ng inputs bago kayo nag implement ng ban na yan. May mga kasama po kami na nagtanong muna sa mga tao ng Embassy kung mag ba BAN ba, ng sa ganun eh hindi sana sila muna magbabakasyon gaya ng nangyari nung Pebrero ng taong ito. Since nagbigay sila ng GUARANTEE na hindi naman daw, sumulong ang iba naming kasamahan. Sa puntong ito lumalabas na TRINAYDOR sila. Nasaan sila, andun sa kanilang mga bahay, dumadalangin na sana ma-lift ang BAN. May iniaabot ba naman ang gobyerno sa kanila pra pangtustos sa kanilang araw araw na gastos. Saan sila ngayon kukuha ng pambayad sa eskwela, ang baon ng mga bata, ang pang monthly amortization sa bahay, sasakyan or lupa?

  1. Sa ginawa po ninyong ito ay inalisan nyo ng karapatan na magkaroon ng oportunidad na magtrabaho at iangat ang antas ng aming mga sariling buhay. Para kaming mga bata na inagawan ng kendi, buti sana kung may TOBLERONE kayong ipapalit dito, pero WALA naman. Ang nangyari tuloy ay napipilitan ang mga kumpanya na kumuha ng ibang lahi para sa sana eh mga posisyon at trabaho para sa Pilipino.

  1. Sabi ni Sen. Mar Roxas sa kanyang kolum sa ABANTE, “Payong kapatid lamang, siguro’y mas mainam na dito na lamang kayo makipagsapalaran sa ating bayan.”. Ang malaking katanungan po para sa amin ay kung sakali bang umuwi kami ng Pilipinas, may naghihintay bang trabaho para sa amin? May mga programa bang  nakalaan para sa amin? Base sa nakaraang pag impose ninyo ng ban nung February 2007, may napala ba yung mga na-stranded dyan sa atin? May nakuha ba sila mula sa ipinagmamalaking OWWA, POEA at DOLE, wala po, ni SINGKONG DULING!

Madali pong sabihin para sa kanya dahil sa estado ng kanyang buhay. Pero naranasan na ba nyang pumila sa mga agency sa Malate, Singalong…Sa dami ng nag aapply gusto nyo bang makidagdag pa kami doon?

  1. Ang nangyayari na pagkidnap sa Niger Delta ay di natin pwedeng ikumpara sa sitwasyon ng Jolo, Sulu. Unang una, dito po ay ganitong sequenze ang nangyayari KIDNAP-RANSOM-RELEASE. Mas mainam pa rin kung tutuusin kesa sa pamumugot ng ulo na ginagawa ng mga bandido sa atin. Kahit po ang gobyerno ng America sa aking pagkakaalam (correct me again if I’m wrong) ay di naglabas ng Total Ban na magpunta dyan ang kanilang mga citizens, manapay isang ADVISORY LAMANG. Ano ang mararamdaman ninyo kung ang i-impose nila ay TOTAL BAN sa kahit saang sulok ng Pinas kasi magulo sa Sulu lamang.

Dito, inimpose nyo na buong Nigeria samantalang sa iisang lugar lang may nagaganap na kidnap for ransom na sitwasyon. Kung ikukumpara naman sa atin di hamak na dito di ka maga alala na ma-snatch ang celfone mo. Di ka kinakabahan pag naglalakad ka sa kalye na baka may holdaper. Subukan nyo pong magpunta dito para makita at maranasan nyo ang aming mga sinasabi. Ika nga ni Kasamang Manny G. Figueroa, bukas ang kanyang bahay para sa inyo.

  1. Ngayon, kung talaga naman na di na kayo matitinag sa inyong desisyon, siguro (I don’t know If everybody will agree with my proposal here), Papirmahin nyo na lang kami ng waiver, any OFW who will go to NIGERIA is obliged to sign it. Waiver na magsasabing kung may mangyari sa amin dito ay wala kayong sagutin. DAHIL SA TOTOO WALA NAMAN TALAGA KAMING AASAHAN SA INYO. Ano po ba ang napapala namin sa pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificates) ? Maliban sa libreng Kape sa airport, nakakatipid lang kami ng mga 600 siguro. (700 po kasi ang tax pag walang OEC minus 100 kaya 600 hindi pa kasama dito ang pamasahe at pagkain sa pagpunta sa POEA Centers). Isipin nyo din po na sa bawat bakasyon namin na kukuha kami nyang OEC ay isang araw ang nawawala sa amin.

Since tinuturing nyo rin naman na kami eh BAGONG BAYANI, sana maramdaman namin yun. Ikaw nga ni Sen. Roxas sa banding huli mas mainam pa rin ang gawa kaysa saita. Siguro panahon na rin na bigyan nyo kami ng proteksyon. Ito ang panahon para kayo ay magpa POGI. Dahil kayo ay mga mambabatas, bakit di kayo bumalangkas ng mga programa para sa mga OFW.

Muli po, correct me if I’m wrong kung ang mga sasabihin ko ay mali or ang mga programang aking babanggitin ay existing na pala. Ito ay sa kadahilanang hindi ko alam na meron na pala,or  hindi lang siguro nabigyan ng wastong kaalaman ukol dito.

  1. Ang bawat OFW na umaalis ay natitigil ang pagbabayad ng SSS, maliban na lamang kung ikaw ay boluntaryong maghuhulog nito. Siguro dapat nating paalalahanan ang mga agency na i-discuss ito sa mga taong pinapaalis nila, dahil saying naman yung mga ilang taong paghuhulog mo tapos mababalewala na dahil di ka naman na inform. Maaari din naman sigurong i-obliga ng ating batas na magbabayad din ang OFW kaalinsabay ng pagbabayad ng kumpanyang kanyang pagta trabahuhan. Di po ba sa atin ay ganyan ang kalakaran, ang kumpanya at ang empleyado ay parehas na may share sa contributions. Bakit hindi rin natin ito gawin para sa mga BAGONG BAYANI?

  1. Sa kawalan ng proteksyon, marami pong cases na ang mga properties ng isang OFW (kotse, bahay, lupa) ay nahahatak ng bangko. Kahit pa sabihin halimbawa na 3 buwan na lamang ang di mo pa nahuhulugan, walang awa nila itong hahatakin. Sana po magkaroon naman ng kaunting konsiderasyon para sa isang BAYANI na tulad namin. Kaunting flexibility kumbaga. Alam kong maraming factor kayo na i-co consider pero sana mabigyan nyo ng panahon na pag aralan ito.

  1. Ang ibang mga nasyon na nagtatrabaho sa ibang bansa ay may mga insurances na kasama sa benefits nila dahil obligado ang kumpanya na mag provide nito. Bakit ang Pilipinas ay walang ganito?

  1. Ang embahada po ng Pilipinas sa Nigeria ay nasa Abuja samantalang ang entry point po ng mga OFW ay nasa Lagos (ang pamasahe po papunta dito ay humigit kumulang sa 100 US Dollar or 4400 pesos). Siguro yung nabanggit ni Se. Roxas na budget ay maaari nyang ilaan dito. Maglagay ng kahit isang munting opisina sa Lagos.

  1. Bigyan ng proteksyon ang buying power ng OFW. Isarado sa 50 pesos = 1 dollar hanggat di tumataas ang dollar rate.

  1. Bigyan ng wastong kaalaman ang mga OFW tungkol doon sa MULTIPLE OEC? Sa mga di po nakakaalam, meron daw na multiple OEC, ibig sabihin kung sa loob ng isang taon ay 2 o mahigit pa na lumalabas ka ng bansa, pwede ka ng kumuha ng maramihan nito. Meron nga ba nitong multiple OEC? Bakit di ini-explain or ipost man lang sa mga POEA Centers? Kung ang isang OFW ay may 15 days na bakasyon, 1 araw nito ay gugugulin nya sa pagpunta sa POEA para makakuha ng OEC. Bakit hindi po kaya natin ilagay yung POEA for 24 hours operation sa NAIA. Yung tipong paglabas namin ng eroplano ay pwede ka ng kumuha ng OEC. Yung sinasabi ni Sen Roxas na dagdag na budget eh siguro pwedeng ilaan sa mga empleyado na magta trabaho sa ganitong purpose.

Pagkalampas po ng Customs sa NAIA sa banding kanan ay may booth doon ang POEA, nakasulat po na napakalaki 24-HOURS ON DUTY. Ng itanong ko sa Security Guard, eto ang kanyang sagot “Ay hanggang 5pm lang po sila”. Kalimitan po 10 or 11 PM dumadating ang mga OFW na galing sa Nigeria , kaya siguro marapat na totohanin ang ganitong programa na 24 HOURS na may POEA para dun na kami kukuha ng OEC. Sayang din naman kasi ang oras, pagod sa pagbyahe at gastos sa pagpunta sa POEA sa Ortigas or sa mga branches nila. Tama po ba?

Sana mabigyan nyo ng pansin itong aming hinaing. Salamat po. Yun lang.

Nagmamahal,

PBB (Pilipino Bagong Bayani)

 

P.S. – paki forward naman po sa mga kasamahan sa media, baka sakaling papansinin kami tungkol sa bagay na ito


From: Connie.Adibe@international.gc.ca [mailto:Connie.Adibe@international.gc.ca]
Sent: Wednesday, October 17, 2007 11:49 AM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan Ang Job Offers Mula Nigeria – DAW!!!

MGA KABABAYAN,

LETS CONTINUE TO FOLLOW UP EITHER BY E-MAIL MESSAGES AND PHONE CALLS ITS FOR A GOOD CAUSE..MAGANDA ITONG NANGYAYARI DAHIL DITO NATIN NAIPAKITA NA LAHAT TAYONG MGA PINOY AY NAG-KAKAISA, KAYA TULOY ANG LABAN..LETS SHOW THEM THAT WE ARE UNITED IN NIGERIA AND ANY PARTS THE WORLD..

LONG LIVE MANNY..


From: Leo Figueroa [mailto:leomanfig@yahoo.com]
Sent: October 17, 2007 10:51 AM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan Ang Job Offers Mula Nigeria – DAW!!!

MGA KABABAYAN,

ITO ANG PINAKASARIWANG BALITA!!

NGAYON MIERKOLES NG UMAGA, NAKAUSAP KO SI ATTY. TAN, CHIEF OF STAFF NI ADMINISTRATOR ROSALINDA BALDOS NG POEA. PUMAYAG SI ATTY TAN NA IPAHIWATIG KO SA INYONG LAHAT ANG NAPAG-USAPAN NAMIN.

SA NGAYON, ANG POEA AY NAKIKIPAG-UGNAYAN SA DEPARTMENT OF LABOUR AND EMPLOYMENT (DOLE) HINGGIL SA NASASABING TRAVEL BAN.

AYON KAY ATTY. TAN, SA DARATING NA BIYERNES, 19 OKTUBRE 2007, MAGKAKARON DAW PO NG ANNOUNCEMENT KAUGNAY DITO.

HINDI PO MASABI KUNG ANONG PAHAYAG ANG IPALALABAS, NGUNIT TAYONG LAHAT AY UMAASA AT NANANALANGIN NA HARINAWA ITO NA PO ANG HINIHINTAY NATIN NA KASAGUTAN.

ABANGAN PO NATIN ANG SUSUNOD NA KABANATA AT ITULOY PA RIN ANG ATING MGA PANAWAGAN SA KANILA.

MANNY G. FIGUEROA

Leo Figueroa <leomanfig@yahoo.com> wrote:

MGA KABABAYAN,

MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA ATING PAGKAKA-ISA SA ISYUNG ITO!

SA MGA KAPWA KONG OFW SA NIGERIA ,

HUWAG PO NATIN LUBAYAN ANG  MGA PAGTAWAG O DI KAYA ANG PAGPADALA NG MGA E-MAIL O SULAT SA POEA, DFA AT IBA PANG MGA KINAUUKULAN SA ATING PAMAHALAAN. SA GANITONG PARAAN LAMANG MAKAKAMIT NATIN ANG TAGUMPAY.

SA MGA OFW SA SAUDI ARABIA, SA MIDDLE EAST AT SA IBANG PANIG NG DAIGDIG

NAKAGAGALAK SA AMING PUSO ANG INYONG TULONG AT PAKIKIPAG-ISA SA MGA PINOY AT PINAY SA NIGERIA .

ITONG LABAN NAMIN DITO AY MAARING MAGING LABAN DIN SA MGA LUGAR N’YONG NASASAKOP BALANG ARAW. NGAYON PA LAMANG SAMA NA KAMI SA INYO.

PATUNAYAN NATIN NA TAYONG MGA OFW AY TALAGANG BAGONG BAYANI NG BAYAN AT HINDI BAGONG “B*Y*G” NG BAYAN.

MANNY. G. FIGUEROA Chairman Fred,

Ok ang stand naming lahat dito sa Saudi Aramco Pilipino community.

Dapat usigin yan si Senador Palengke.

Nakakasagasa ng karapatan ng isang tunay na Pilipino.

Kaya lang irriversibly wag natin masyadong banggitin ang pangalan dahil yan ay may ambisyun mag Presidente.

Alam nating lahat may dugong Gerry Roxas yan at tumatapang yan pag nasusugatan. Kaya lang di nagmana sa lolo nya

Manuel Roxas ng katalinuhan. I can say bobo pala sya pinagtatawanan sya dito sa Saudi Aramco Pilipino community.

Dito nya makikita ang unity ng Real OFW’s kahit saan supportado naming kayong lahat.


From: Fred Borbon [mailto:Fred@zakhem-nig.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 7:46 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan Ang Job Offers Mula Nigeria – DAW!!!

Mr. Palengke,

Siguro naman po ay lalakas na ang bentahe ng Abante dahil sa kolum mo na ito, at diyan ka namin matutulungan, hindi nga…IKAW PA…

Kung gusto mo naman ng malakasan pa ay isasabit ko na ang ibang tropa na OFW sa iba pang panig at kasulok sulukan ng mundo para sa suporta naming hinahangad.

Pero Di na kailangan iyan ano Senador, kasi, di mo napag aralan na madaming bersyon ang ibig sabihin ng OFW sa Nigeria,

“OKEY FOR WAR” kami dito.

Ikaw naman kasi, basta basta ka na lang nakiki sawsaw sa mga bali balitang OFW  eh, titimbre ka muna, papa ano na iyan, mas madami na naiinis sa iyo kesa sa natuwa. Ayos lang iyan, di ka pa naman nag kakasala ay pinatawad ka na namin, kasi inosente ka sa mga ibang mga pangyayari, kulang sa realedad na kaalaman, di mo sinala ang mga impormasyon mo na napulot.

So saan ka lalagay sa ngayon, bukas, at sa hinaharap, muli at muli ka naming susubaybayan sa iyong pitak, araw araw iyan naming babasahin at mamatyagan, hindi mahirap aminin ang pagkakamaling pagsusulat, kung nakakasagasa din naman kami ng damdamin.

Inumpisahan mo kasi, kaya tatapusin namin ito na kasama ka sa aming pag sang ayon, saan ba ang pag sisilbi mo sa iyong layunin at adhikain, sa  boses ba ng iilan o sa mga kahilingan at daing ng mga nakararami.

Hinihingi namin ngayon ang iyong suporta, bago maging huli ang lahat….parang bata kami na inagawan mo ng kendi niyan ahhh, palitan mo naman ito ng tinapay, may kasama pang pampadighay, papasko pa naman.

Hindi mo na kailangan pang magpasa ng ano pa mang batas, di mo na kailangang mag isip pa sa mga dadaang gabi. SIMPLE LANG GAGAWIN MO.

Sa halip na”IWASAN”, BAWASAN ANG MGA NEGATIBONG IMPRESYON SA TOTAL BAN NG OFW SA NIGERIA

SA LIKOD AT HARAPAN MO KAMI, KUNG MAS MADAMI PA ANG KOKONTRA…….

FRED BORBON


From: Alayon Rico [mailto:Rico.Alayon@saipem.eni.it]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 6:41 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!

Sir:

I totally salute you with all your endeavors in suppporting the OFW. Job seekers should be cautious with the online job offers in Nigeria, considering the fact that most offers are scam especially if asking for fees. However, I believe that Filipinos who has a good job offer from credible local agencies should not be banned of doing so, much more for those who had been in Nigeria for long period of time. Its easy to say for the  OFW to find a job in the Philippines (as you said ‘mas mainam na dito na lamang makipagsapalaran sa ating bayan’). But, is there really an opportunity in the Philippines? And if there is, does it offer a salary comparable to the salary being offered in Nigeria?  Well, you can discourage OFW to work in Nigeria by giving an advise, but not to the extent of stopping them to work for their children’s future. Its not only the Filipinos who are working in Nigeria, other nationalities are dominating the workforce, but its only the Philippines which is doing this incomprehensible action of total ban. Our co-workers from other countries are telling that the decision of the country for total ban is a violation of human right. They have the point coz the government is restricting our freedom to move and get better opportunities. Also take note that despite of the kidnapping experience of Mr. Bacani, he still wants to come back and work with the same company he is working. Why? Simply because he could not think of any other opportunity that could match his salary and benefits. OFW are like soldiers who are willing to deploy themselves for a cause, and soldiers has the 50% chance to loose their lives during the mission. In the case of OFW in Nigeria, the risk of being killed and kidnapped is not as high as the risk of death of soldiers. OFWs are ready to face the challenge of working in Nigeria especially for those who have been working there almost half of their career duration. They have the courage to deal with these to provide a better life for the family and for the future of their children. Kidnapping is everywhere, and even in the Philippines, it’s rampant, and the sad thing is, some being kidnapped are either being raped or killed even a ransom has been provided. The life in the big cities in the Philippines is even more dangerous than the life here in Nigeria. Even in the big malls in the Philippines, kidnapping, hold-up and snatching are happening, much more while riding jeepneys and other public vehicles. If solving the kidnapping incidents in Nigeria is an issue leaving it as a problem to the Philippine government,  I believe there are more problems in other countries like Saudi Arabia. But, why the country is continuosly sending OFWs there? Regarding the appeal of the government for voluntary repatriation, is the Philippine government has an alternative program for the OFW in Nigeria? Is the government capable of providing the basic needs of the family of the Nigeria OFWs? Many filipinos in squatter areas are still dying of starvation, and most filipinos commit crime or have been involve into drugs to fill their empty stomachs. This is the real problem that needs solution.

Thank you for reading my grievances

DR.RICO CALDERON ALAYON

Saipem Base Doctor – Nigeria

Mobile Phone No. +234-8039758891


From: Leo Figueroa [mailto:leomanfig@yahoo.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 6:36 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!

Dear Senator Roxas,

I have not met you personally although I have read and heard some positive things about you. Medyo maganda na sana ang unang impression ko sa iyo dahil sa mga bagay na ito.

And I told people – here’s a promising man who will do great things.

Subalit pagkatapos kong basahin ang inyong column, ngayon pa lamang ay binabawi ko na itong impression ko sa iyo. I am totally disappointed with you. I was expecting you to come up with a realistic, practical and constructive approach to the issue, but you chose to present what clearly are sweeping generalities.

Kaugnay sa sinabi ng kapwa kong mga Pinoy dito sa mga e-mail messages, halos ang buong kapuluhan ng Nigeria ay mapayapa maliban po doon sa tinatawag na Niger Delta

Region kung saan mayroon nagaganap na mga kidnapping ng expatriates. Ngunit hindi naman ito nangyayari sa buong Delta Region.

Itong mga nangyayari sa nasabing lugar dito sa Nigeria ay halos walang naman pinag-iba

sa mga nangyayari diyan sa  Kamaynilaan, sa Mindanao, sa Visayas. Paano kaya kung mag-issue din ang Nigeria at iba pang bansa ng travel ban sa kani-kanilang mamamayan na huwag pumunta sa Pilipinas dahil sa matinding krimen, ano ang magiging reaction niyo?

Ginoong Senador, sana pumasyal kayo dito sa Nigeria at makihalobilo sa Philippine community at madalaw mo rin ang ibat-ibang urban centers kagaya ng Lagos, Abuja, Benin, Kano, Ibadan, Sokoto, atbp. Sa ganoon, magkaroon kayo ng first hand experience and information kung ano talaga ang tunay na kalagayan dito sa bansang ito. And I offer you the hospitality of my humble home in Lagos.

I am sure you will enjoy your stay here in the same manner that I have enjoyed in this country for the past 26 years.

Bago ako magtapos, huwag sanang makalimutan na ang principal issue dito ay ang pagtanggal ng travel ban sa mga OFW patungong Nigeria. Saan ba talaga ang panig mo dito?

Manny G. Figueroa

e-mail address : leomanfig@yahoo.com  


From: Godoy, Jeffrey (HRP/23CW) NLNGBNY [mailto:Jeffrey.Godoy@nlng.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 6:15 PM
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!

Sa kinaukulan,

Kaming lahat dito sa Bonny Island ay nag nanais din na maalis ang “Total Ban” sa Nigeria na ipinatupad ng POEA at DFA.

Kasamang Fred,

Well said.

Jeffrey Godoy

HRP/23CW
Nigeria LNG Ltd.


From: Olimba Jaime [mailto:Jaime.Olimba@saipem.eni.it]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 5:44 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!

heto na mga kasama sa hanapbuhay


From: Rene.Duron@shell.com [mailto:Rene.Duron@shell.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 5:33 PM
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!
 

 G. Roxas,

Magandang araw po sa inyo ang nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Sumulat po ako hingil sa iyong pahayag tungkol sa pagiwas sa mga “job offers” na nagmumula sa Nigeria na nailathala sa pahayang Abante. Kung mamarapating po ninyo hayaan nyo na sagutin ko isa-isa at himay-himayin ang mga bagay na iyong tinalakay sa iyong Kolum.

“Isa lamang paalala sa ating mga kababayan na inaalok na magtrabaho sa Nigeria: Magulo roon lalo na sa Niger Delta. Mayroon na rin kasing mga Pilipino na na-kidnap ng mga rebeldeng grupo sa bansang iyon habang tahimik lamang na nagtatrabaho ang mga ito. Payong kapatid lamang, siguro’y mas mainam na dito na lamang kayo makipagsapalaran sa ating bayan.”

Tunay po na magulo ang Niger Delta subalit kung ito’y ihahambing sa ating bansa maihahalintulad natin ito sa kalagayan ngayon ng Mindanao. ang kaguluhang nangyayari ngayon sa Niger Delta ay hindi po nasasakop ang buong bansang Nigeria. Papano na lang po ang hindi nagtatrabaho sa Niger Delta? Napakalawak po na bansa ang Nigeria at hindi po buong bansa ang apektado.

Sinabi nyo po na mas mainam diyan na lang po makipagsapalaran. Isang tanong lang po, ano po ba ang maidudulot ng ating pamahalan kung sakaling kaming lahat (Higit 4000 manggagawa) ang umuwi sa ating bansa? Mayroon po bang matibay na programa ang ating pamahalaan para sa mga OFW na umuuwi at diyan nalang makipagapalaran? Ikalawang katanungan Inyo po bang napag-aralan kung ilang milyon sa ating kababayan ang nariyan sa Pilipinas na walang mga trabaho? Mukhan di nyo po masyadong batid kung ilang libo o milyong Pilipino ang hanggang gayon ay walang trabaho sa Pilipinas, iyan po aang isang rason kung bakit kami naririto ngayon sa bansang ito.

Kung kami po ay mayaman sa ating bansa ano pang silbi ang pagkikipasapalaran namin manapa’y diyan na lang at makaksalimuha pa namin araw-araw ang aming  mga pamilya. Subalit di po kami kagaya ninyo na kahit di kumayod ay mabubuhay, di po ba? 

“Sa katunayan, kauuwi pa lamang ni Albert Bacani, isang Overseas Filipino Worker (OFW) noong Sabado matapos pakawalan ng mga kumidnap sa kanya sa Nigeria. Si Bacani at ang kanyang katrabaho na taga-Colombia ay nabawi ng mga awtoridad sa Nigeria sa isang tulay sa Port Harcourt alas-singko ng umaga (Manila time). Kinidnap ang dalawa noong ika-27 ng Setyembre sa kanilang pinagtatrabuhan, ang SAIPEM petrochemical complex sa Port Harcourt, River State, Nigeria.”

Di po siya nabawi ng mga Awtoridad kundi pinawalan po at wala pong pakikipagbarilan o dahas na nangyari noong makuha si Ginoong Bacani. Maging ang may katawan na si G. Bacani ay gusto pa ring bumalik dito Pero bakit di siya pinakikinggan ng ating mga awtoridad (DFA, POEA, DOLE).

“Maaaring hindi ninyo alam na matagal nang suspendido ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpoproseso ng mga kontrata sa trabaho para sa Nigeria. Ang “ban” na ito ay mananatili hanggang hindi nanunumbalik ang katiwasayan sa nasabing bansa. Malaking sakit din kasi ng ulo ng gobyerno ng Nigeria ang pangki-kidnap ng mga manggagawang galing sa ibang bansa. Lagpas na sa 200 ang nakidnap ng mga rebeldeng grupo at mga sindikatong kriminal mula pa noong 2005.”

Kung akin pong natatandaan nitong pag pasok po ng taong kasalukuyan ibinaba ang memorandum ng “total deployment ban” sa bansang Nigeria. Dahil na rin sa aming masugid na pakikiusap hanggang si G. Conejos at bumisita dito at nakita niya ang totoong sitwasyon ng bansa, ang “total ban” ay kinasela at pinalitan ng tinatawag na “partial ban” na kung saan ang manggagawang may kasaluyang kontrata ay pwede pa ring pumasok at magproseso sa POEA (Bago po kayo magsulat ay maari po bang inyo saliksikin munang mabuti ang mga sunod-sunod na pangyayari para di po kayo mapahiya). At ang mga bagong proseso ang siyang lang po nasasakop sa “total Ban”.

Opo, ang kredibilidad ng pamahalaan ng Nigeria ang nakasalalay sa buong mundo tungkol sa usaping ito. Subalit ang isa pang katanungan, Sa dinami-dami ng mga ibat-ibang lahi ang nagtatrabaho dito bakit ang Pilipinas lang po ang siyang nagbaba ng kautusang “TOTAL BAN”? Baka ho kayo kaya ninyong sagutin ito kasi mas malapit po kayo sa kaldero ‘ika nga.

Dahil po sa kautusang iyan malaki po ang nawawala sa ating bansa una karamihan po na mga kompanya dito ay nais na mga Pilipino ang kanila manggagawa subalit dahil nga sa kahirapang makakuha ng manggagawa na nanggagaling pa sa ating bansa napilitan po silang kumuha ng ibang lahi. Samakatuwid talagang malaking kawalan nito di lang sa ating mga manggagawa kundi sa buong Pilipinas.

“Idadagdag ko pa rito ang pangangailangan na magbantay tayo laban sa mga pekeng recruitment na idinaraan sa Internet. Scams lang po ang mga ito.

Maging ang embahada ng Pilipinas sa Abuja, Nigeria, ay nagbigay na rin ng babala sa lahat ng mga Pilipino laban sa mga pekeng job offers na idinaraan sa e-mail. Sindikato lang po ang mga ito at dapat na iwasan. Ginamit pa nga raw ng mga sindikato ang letterhead ng Philippine Mission para makahingi ng processing fees para sa mga pekeng trabaho.”

Alam na po ito ng nakakaraming naririto mula pa po noong taong 2004 hanggang sa kasalukuyan. subalit di po ba kayo nagtataka na sa kabila ng lahat ng ito marami pa rin ang gustong pumunta dito sa Nigeria. Ayaw ko na pong ipahayag sa inyo ng buong detalya at ang inyong Staff na lang po ang magsaliksik nito.

“Susog pa rito, sinuportahan ko rin ang hiling ng DFA na dagdag na pondo para sa mga OFW. Halimbawa, ‘yon kay OWWA Administrator Marianito Roque, may 4,000 OFWs ngayon sa Nigeria.

Napakarami nila pero ang tauhan natin sa embahada ay ni hindi humihigit sa dalawampu. Tama lamang na dagdagan natin ang badyet ng labor at foreign affairs departments para matiyak ang mabilis at epektibong pagtulong sa ating mga OFWs.”

G. Roxas siguro po batid nyo po na di lang dito sa Nigeria nangangailangan ng tulong ang ating mga OFW, at di lang din po sa ating Embahada sa Nigeria ang may kakulangang mga tauhan kundi lahat po na Pasuguan. Ay bakit po kayo naka tutok sa Nigeria dapat po sa lahat dahil maaring ang nangyayari dito sa amin ay di rin malayong mangyari sa iba nating kabayan sa ibat-ibang panig ng mundo. Wag nyo pong saabihin mayroon kayong kinikilingan

“Ano ang mapapala ng ating mga OFW kung ulit-ulitin natin silang tawaging “modern-day heroes”, o mga “bagong bayani”, kung hindi naman natin sila tinutulungan? Sa bandang huli po, mas mahalaga pa rin ang gawa kaysa salita.”

Hanggang ngayon po di po namin nararamdaman ang mga sinasabing BAGONG BAYANI. Kasi sa aming nakikita kung kailan lang may kailangan ang ating pamahalaan sa amin bilang OFW tsaka lamang pinatataba ang aming puso at tintawag na mga  BAGONG BAYANIKagaya nitong nanagyayari ngayon di inialintana o tinutugunan ng ating pamahalaan ang aming mga hina-ing at pakiusap.

Muli po aking ibubuod

1. Mayroon po bang trabaho kaming makukuha kung kami’y uuwi diyan?

2. Malawak ang Nigeria at hindi po buong bansan ang apektado ng kidnapping (papano na lang po yung nasa Abuja, Lagos at ibang parte ng Nigeria na di nasasakop ng Niger Delta)?

3. Dahil sa kahilingan ng mga manggagawa ang dating total ban na unang ibinabang kautusan ay naging Partial ban po subalit sa ano kadahilanan at di po lingid ng ating Pasuguan sa Nigeria ito’y muling naging “TOTAL BAN”.

4. Kung kami po’y tinuturing ninyo na bagong bayani marapat lang po na sa halip na iyong suportahan ang panukalang “total BAN” at pakinggan ninyo ang pulso ng manggagawa na narito sa bansang Nigeria, kung ano ang nararapat. Matagal at marami na po kaming tiniis luha at dugo na po ang aming puhunan at naman po ninyong dagdag pa ‘ika nga sa ingglis ADDING INSULT TO INJURY.

Sana po ay magkaroon kayo ng panahon na basahin ang aming mga hina-ing.

Lubos na Gumagalang,

Rene

P.S.

Huling tanong, kayo po ba ay tatakbong pagka presidente ngayong 2010? Konti lang po ang 4000 boto di pa po kasama diyan ang aming mga kamag-anak.

Salamat

—–Original Message—–
From: Fred Borbon [mailto:Fred@zakhem-nig.com]
Sent: 16 October 2007 16:15
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria – DAW!!!

Mga kababayan,

Heto nga yatang si Mr. Palengke na tinatawag ay sa kangkungan lamang yata kumukuha ng mga bali balita at ang kanyang mga adviser ay mga mag gugulay lamang kung tungkol sa buhay OFW din lamang ang pag uusapan. Di kasi nito naranasan ang magtrabaho ng malayo sa mga mahal sa buhay eh.

Senador Roxas, kung abot ng pang unawa mo ang salita at ibig ipaka hulugan ng salitang “kalibrated”, madali mong maiintindihan kung bakit kami ay di sumasang ayon sa  lintik na total ban na iyan. Dito po sa Nigeria, ang kalakadan, “Kapag mahina hina ang loob mo, lalo kang man lalata at di mo nananaisin pang bumalik, Kung malakas naman ang loob mo, lalo namang titibay ang dibdib mo dito”. Di mo ba nadinig, nabasa at nasakyan  ang namutawi sa mga labi ni Bacani na magpapahinga lamang siya at babalik na muli dito, siya na biktima ng kidnap, di nagulantang, kaya huwag ka ng magtaka kung ulanin ka ng batikos sa iyong sinulat na iyan sa ibaba.

“Iwasan”, nakupo!!! Pag aralan dapat mabuti, Busisiin ang job offer muna, Mag tanong sa mga andirito na, wala namang kabayad bayad ang aming mga sagot, kung sa Port Harcourt ang jobsite, may mga tropa tayo doon, kung sa Lagos naman, andirito lang kami, kung sa Bonny Island, abay lalong makapal doon ang mga Pinoy kung bogus ba ang mga address na nakalagay doon, o pangalan ng kompanya.

“Magulo roon lalo na sa Niger Delta”. Naman naman….May gulo po, di po lahat na parte ay magulo, iyon ang totoo, tuloy po ang pagtitinda doon at pagpapasok ng mga estudyante hanggang sa ngayon. Hindi po sarado ang airport nila. Kung sasakay ka po sa eroplano sa alinman sulok ng Nigeria, abay mantakin mo, halos kalahati ng mga pasahero ay mga expats, madaming maluluging negosyo kung makikigaya sa Pilipinas ang mga ibang bansa , kaya nga kapag nakakausap kami dito ng ibang nasyon kung tunay nga ba na bawal bumalik, alam mo ang sabi “HA!!!” sabay iling….

Iyong payong kapatid mo na makipag sapalaran sa sariling bayan, gawin mo na lang kayang magbakasyon sa sariling bayan at di na kailangan pang mag Hongkong o Singapore o Malaysia kaya.

Ang “ban” na ito ay mananatili hanggang hindi nanunumbalik ang katiwasayan sa nasabing bansa. Diyan ka may tulog, kasi halalan na uli bago mo makitaan ng katiwasayan. unahin muna natin na maging matiwasay ang Pilipinas, wag mo nang sakupin pa ito at tapos na ang termino mo ay wala pang liwanag na mangyayari. Kami ang andirito at makakapag sabi niyan at makakapag patotoo.

Doon mo ako pinabilib lang sa sinabi mong sumoporta ka sa dagdag na pondo, kailangan talaga iyan, pera ang kailangan para sa karagdagan operational expenses, di kailangan ng madaming tao, pampasikip lamang iyan, dadami pa ang kawkaw, para sa gayon, kung meron mang naganap na mga insidente na di kanais nais, madali na mapupuntahan agad ng mga tauhan ng embahada natin, napakahirap gumalaw kung pasuno suno lamang, kung patawag tawag lang sa telepono, dapat pisikal na makakadaupang palad nila ang mga biktima, pampalakas ng loob ika nga.

Ano naman ang mapapala namin kung pabalik balik pa din kami sa Nigeria, kahit na meron pang namumuong gusot, madami kaming mapapapala , kabilang na ang mga pamilya namin, at iyon ay sa maganda.

Wala kaming mapapala na biyaya sa inyo niyan na mga kumokontra sa pag aalis ng ban, kahalintulad iyan sa boto ko sa iyo noong halalan na ginanap, ang balota ko ay wala dito sa Ikeja, Lagos na urna napapunta, kundi nandoroon sa urna sa Port Harcourt, di naman masasabi na nasayang, kasi nanalo ka naman nga pala eh.

Pakaisipin mo na at ipagtanong pa sa mga andirito sa Nigeria na mga Pilipino, kung sino ang tuwang tuwa at pumapayag sa total ban na iyan, pakilasa ko naman ay wala pang bugok dito na OFW sa Nigeria na papabor sa nagmungkahi na iyan, IYAN ANG ISULAT MO SA SUSUNOD SA KOLUM MO, PARA MATAUHAN KAYO SA TOTOONG SENARYO AT DAMDAMIN NG MGA PILIPINO DITO.

Marami pong salamat….

Kabayan Fred 


From: Maynard Flores [mailto:ml.flores@yahoo.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 4:26 PM
To: Bamba, Eduardo; Toledo Nelson; mar@marroxas.com
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria

Hindi ko alam bakit ganito kadali mag salita nga “Bawal”, “Iwas” at “Ban” itong ating mga opisyal. Ni hindi nga nakatapak sa Nigeria or Africa si Mr Palingkero at taga POEA, at akala mo kung sino mag sabi iwasan mag trabaho dito.

Mas magulo at namumulubi pa nga Pilipinas tapos pagbawalan pa tau mangibang-bansa.

Ano kaya gusto nila? Maghirap tayo sa Pilipinas para lang sa kanilang ‘political agenda’? Para sabihin concerned sila?

Ay naku, babawi tau sa sunod na halalan. Alam na natin sino ang mga pulitikong wala tayong aasahan bilang OFWs.

Si G. Albert Bacani na nga mismo nag sabi na babalik pa rin sya sa Nigeria pagkatapos ng kanyang 2-weeks vacation dahil di naman daw sya natatakot sa work location nya. Mas takot pa yung naghihintay ng boto at pinag kakagastusan ng taong bayan na paswelduha.

Sama-sama nating kalampagin ang mga taong pilit na nilulubog tayo sa hirap.

Mabuhay ang Naija Pinoys!!! 

 


From: Restituto Castor [mailto:r.castor@nestoilgroup.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 5:08 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: Removed Travel Ban

Mr. Senator Mar Roxas,

Sa laki po na naitutulong naming mga OFW sa ating Mahal na Bansang Pilipinas. Kami pong lahat d2 sa Bansang Nigeria ay umaasang manunumbalik sa lalong madaling panahon ang pagdedeployed ng mga manggagawa patungo d2 sa Nigeria. Lingid po sa inyong kaalaman na marami sa atin ang mga manggagawang naaapektuhan nitong “TRAVEL BAN ON OFW IN NIGERIA” ang iba po ay gumastos na, nagsanla ng lupa at nagbenta ng mga ariarian sa pagpapaproseso ng mga papeles makapunta lamang at makapagtrabaho d2 pero dahil lang sa TRAVEL BAN na ito…ay nawawalan sila ng pag asa na makapunta d2.

Sana naman Mr.Senator, kaming mga maliliit na manggagawa d2 sa Nigeria ay dumadalangin ng  “ REMOVED TRAVEL BAN BACK TO NORMAL“  ng mga FILIPINO d2 sa Nigeria. Lahat ito ay pra sa aming pamilya at para din sa ating Mahal na Bansang Pilipinas. Malaki ang hirap at naiiambag naming mga OFW sa ating Bansa para lumakas ang PISO, pabor sa ting bansa yan, sana paglakas ng PISO ay mabago rin naman ang presyo ng mga bilihin sa tin, pero ang ginagawa naman ng mga ganid na politiko ay ginagamit nila sa pansariling kapakanan. Siguro alam nyo ang nangyaring pamimigay(suhulan) sa mga Gobernador at Congressman noong nakarang huwebes ng tig 500 thou pesos(.5million) sa bawat isang Politiko na inimbitahan ni Ginang Arroyo.. Sana po Mr. Palengke, ito ang aksyunan ng mga kagaya nyo para naman tumaas ang antas ng Bansang Pilipinas..hindi po yung pagba-BAN ng TAO d2 sa Nigeria…

Mr. Senator, sa tingin ko po ang nangyayari ay PERA-PERA ang labanan, ang may pera sila ang bida…paano naman po kaming wala pang pera?? Na nagtitiis at sumasabana ng hirap at lumbay para lang maging BIDA sa aming mga MAHAL SA BUHAY…??

DITO PO KAMING LAHAT SA BANSANG NIGERIA NA UMAASA NA DIDINGGIN ANG AMING HILING….” MAAGANG PASKO PO MR.PALENGKE!!!”

Mabuhay ang Pilipinas!!

RESTITUTO A.   CASTOR   

  
Lead Project Engineer 
 

From: Bamba, Eduardo [mailto:Eduardo.Bamba@willbrosnigeria.com]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 3:54 PM
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria

Para kay mr. palingke senator sir,

Madaling sabihin na umiwas sa  Nigeria pero hindi naman naming puwedeng agawan yong nasa kanilang puwesto na sa ibang bansa sir. At kung makipagsapalaran naman kami diyan sa atin sir’ gutom ang pamilya namin kasi milyon din ang walang hanapbuhay sa atin mabuti yang iba diyan sir nakapuwesto na kaya madaling sabihin na sa atin nalang maki pagsapalaran sir.

Mabuhay po kayo.

Eduardo R Bamba

Willbros West Afica Inc.


From: Toledo Nelson [mailto:Nelson.Toledo@saipem.eni.it]
Sent: Tuesday, October 16, 2007 2:39 PM
To: mar@marroxas.com
Subject: FW: Iwasan ang job offers mula Nigeria
Importance: High

Dear Senator Mar Roxas,

Magandang araw po.

Marami po kaming umaasa sa inyo, na inyo po kaming matutulungan sa kasalukuyang problemang ma lift ang BAN DITO SA NIGERIA.

Maraming Salamat po at mabuhay tayong lahat.


From: Trinidad Gerald
Sent: Tuesday, October 16, 2007 1:37 PM
To: mar@marroxas.com
Cc: Pinoy_Big_Brother
Subject: RE: Iwasan ang job offers mula Nigeria

PLEASE TREAT THIS AS AN EYE OPENER…..

Mr. Senator (a.k.a. Mr. Palengke),

Good day po!

Saludo po kami sa inyong magaganda pang programa para sa mga OFW, sana nga po mag dilang anghel kayo? Pero para po sa mga JOB OFFERS dito sa Nigeria sana pag-aralan din ninyo ng maigi at ng gobyerno, ika nga dapat may freedom of choice. Paano nalang yung mga dati ng nakapagtrabaho at nandito pa? Alam niyo po ba na marami sa amin na dumadalangin na ma lift na yung travel ban na iyan para makapag-bakasyon at makapiling pansamantala ang pamilya. Karamihan sa amin nag extend nalang ng contract dito dahil nga sa travel ban na iyan, dahil marami sa amin dito gusto paring bumalik at makapag-trabaho dahil kagaya niyo rin may mga responsibilidad na dapat gampanan. Kung matulungan niyo po kami sa kasalukuyang problema na ma-lift ang ban ikagagalak namin. Salamat po at mabuhay kayo!!!

Para sa mga komento at tanong, maaaring mag-text sa 09176276927 o 09196276927, o mag e-mail sa mar@marroxas.com

MR. PALENGKE

******************************************************************************************
.  

Maynard L. Flores
mobile: +2348036166237
e-mail: ml.flores@yahoo.com

http://groups.yahoo.com/group/naijapinoy/
https://naijapinoy.wordpress.com/

Advertisements